Powered by TagBoard Message Board
Name

URL or Email

Messages(smilies)


...maraming ideyang nawawala sa isang iglap...
tila dinadala ng hangin ang mga saloobin...
sayang ang pag-iisip,
kaya kailangan itong isa-titik


ka-igno-an

bakit di mayaman ang pinas eh kahit saan naman may gas station? yan ang tanong ko dati. hehe! akala ko kasi sa ilalim ng mga nakatayong gas station may gasolina. parang sa poso ng tubig ang analogy ko. pero di pala ganun. sabi nung kuya ko, yung mga trak na may nakalagay na flammable ang nagdedeliver ng gasolina sa mga stations, kaya nakakapagkarga ng gasolina ang mga may sasakyan. di galing sa ilalim ng lupa ang gasolina. hehe! dahil kung ganun nga eh di mayaman din tayo ulad ng middle east. now i know!!! haha!



~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

bukod sa mga karaniwang kasabihan na makikita sa loob ng jeep tulad ng:

bayad muna bago baba
basta driver,sweet lover
God knows, hudas not pay
,

may mas astig akong nabasa na kasabihan

sumakay ka, hinatid kita, magbayad ka naman!

hehe! prangka! wala nang tali-talinhaga, derecho sa punto. haha!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

nanay

kanina, nung papunta ako sa skul, may nakasabay akong matandang babae. hindi naman siya mukhang hirap na hirap sa buhay. hindi rin naman siya mukhang napakayaman. simple lang ang ayos niya. pupunta pala siya ng lung center. eh nakarating na ng university ave. yung jeep di pa siya pumapara, kaya na siya sa nasabing ospital. gusto ko nga siyang tulungan kaso, nagmamadali rin akong pumasok dahil mahuhuli na ako sa klase. sana nakarating yung matanda sa ospital.

naikwento ko lang kasi naalala ko sa kanya si nanay (yung lola ko). sa march, magtatatlong taon na siyang nananahimik sa napakahimbing na pagkakatulog. namimiss ko na nga siya. lalo na yung mga kwento niya nung kabataan niya. sabi niya nakapagmaneho siya ng trak kaso, dumirecho sa palayan kaya ayun at nasabon ata siya ng mga magulang. hehe! mahilig din siya sa mga kantahan, pati na rin sa mga lakwatsahan. pero nung medyo lumala yung hika niya di na siya masyadong lumalabas. dinalaw niya ako sa panaginip isang araw pagkatapos ng libing. sabi niya sa panaginip, magpakabait daw kami. hay, kung nasan man siya ngayon, siguradong masaya siya kapiling ng lolo ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

magandang quote na nabasa ko sa isang signboard sa cubao:

FEAR IS NOT DEFEAT UNLESS YOU STOP TRYING


react ka naman | 02.22.05 | 05:04 p.m.

dami kong post for today. nilulubos-lubos ko na habang maluwag ang sched. baka abutin nanaman ako ng 10 years bago makapag-post. haha!!!

explosives engg

may napanood ako dati sa national geographic na segment tungkol sa mga explosives engg. meron pa lang mga ganun. (censya na igno nanaman, hehe!). ang trabaho nila ay pabagsakin ang mga lumang buildings sa pamamagitan ng explosives. (kaya nga explosives engg) astig na trabaho yun lalo na pag ikaw yung tipo ng tao na mainitin ang ulo, hanap ka lang ng building tapos pasabugin mo. hehe! brutal! seryoso na, di pala ganun kadali yung trabaho nila kasi pinaplano rin nila kung pano gagawin yung pagsabog. di pwede ang mga trigger-happy na tao. pati yung mga direksyon ng hangin inaalam din nila. risky job pero sigurado malakas ang adrenaline rush lalo na pag malapit na yung oras ng pagsabog. ang astig pa dun sa napanood ko, isa lang ang babae sa team nila. apat silang explosives engg, at isa lang ang babae. at take note, yung babae ay isa sa tatlo lamang na babaeng qualified na maging explosives engg sa BUONG MUNDO. ang galing niya 'no? hehe! sarap siguro ng feeling nun. haha! hmm... ako kaya, gagawa ng softdrink-powered engine. wehehe! para seven pesos lang pwede nang tumakbo ang sasakyan. haha! kapraningan nanaman!!!

bisyo

kung ang ibang tao, nalululong sa yosi, alak at drugs, ako sa clover chips. para maiba naman diba? ewan ko, nakaka-addict lang kasi. at least di ako magkakasakit sa baga, atay o sa utak, sa bato lang. hehe! lab na lab ko ang nanay ko kahit na mahilig siyang manermon at kahit lagi niyang pinag-iinitan ang mga porma ko, kasi alam niya ang aking weakness: isang malaking bag ng clover chips. nung exam weeks ko lagi siyang bumibili ng clover chips. siguro nagkakataon lang na pag nadadaan siya sa shelf ng clover chips, naaalala niya ko. nakatatak ata yung mukha ko sa logo pero siya lang ang nakakakita. hehe! masarap talaga ang clover chips. samahan mo pa ng slurpee na panulak (yung pinaghalong apple saka cola na slurpee, the best!!). mmm... haha! ang saya :)


react ka naman | 02.21.05 | 08:30 p.m.

bakit ba kayo nag-engineering??? para maging employees ng multinational companies? dito sa Pilipinas, mga simpleng equipment lang kailangan pang kunin sa ibang bansa. kung mechanical engineer ka, gumawa ka ng equipment na worth hundred dollars sa ibang bansa tapos ibenta mo ng hundred thousand. sayo lahat bibili yun.

halata ang frustration sa boses ng physics prof ko. kung sabagay, karaniwang mentality ng mga pinoy, walang pag-asa dito sa pinas. siyempre wala kasing mga industries, walang pwedeng pasukan. hmm, kung baliktarin kaya natin ba't di tayo ang gumawa ng mapapasukan??

may pahabol pa siyang sinabi, most schools are incorporating business courses in their engineering curriculum... i expect you to be left behind in the future if you do not take these into consideration

saklap naman ng sinabi niya. kung sabagay, may punto siya. kaya nga siguro hindi umunlad-unlad tong pinas eh dahil karamihan sa inaasahang magpapa-unlad nito eh nagpapaalila pa rin sa ibang bansa. hmm... di ko naman sinasabing masama magtrabaho sa ibang bansa kaso parang ang pangit naman na ibang bansa ang nakikinabang sa kaalaman mo imbis na ang sarili mong lahi. kung sabagay, maraming ibang factors kung bakit naglilipatan sa ibang bansa. lagi mong maririnig na ang mga pinoy daw creative, magagaling, pangworld-class pero bakit ganun, di pa rin tayo umuunlad??? ironic diba? napag-iwanan na tayo ng mga kapitbahay natin sa asya. hay, kelan kaya tayo uunlad?? baka isang araw wala na pala ang pinas sa mapa. di naman siguro mangyayari yon. hay, kainis no??


react ka naman | 02.21.05 | 05:22 p.m.

i don't want to wait in vain...

HULI KA!!! hehe! catchy ng title no? gusto mo yatang makakuha ng latest chika sa aking non-existent love life. hehe! di naman tungkol sa love life ko itong entry na ito dahil wala naman akong maikukwento. pero dahil love month naman ngayon, share ko lang ang mga thoughts ko tungkol sa relationships.

wala naman talagang knight in shining armor. siyempre nasa pilipinas tayo, wala naman talagang mga knights dito. palitan na lang natin ng pinoy equivalent: katipunero in stainless kalesa astig! kaso wala na ring mga katipunero sa panahon ngayon. ano bang sinasabi ko dito? karamihan sa mga babae, nangangarap ng isang katipunero in stainless kalesa na susundo sa kanila, hahalikan sila tapos magkakaroon sila ng happy ending. yun kasi ang sabi sa mga fairy tales. pero sa totoo lang di naman talaga nangyayari yun. sabi nila, you fall for the person who's completely the opposite of your ideals. eto, medyo naniniwala ako dito kasi maraming nagkukwento sakin na mga opposite ng ideal person nila ang nakakatuluyan nila. kaya ako, walang masyadong standards. di naman kasi pinaplano ang pag-fall sa isang tao. basta na lang nangyayari.

nung elementary at high school ako, maraming nagtatanong sakin kung sino daw crush ko. eh karaniwang sagot ko naman ay wala. at pag sinabi ko yun, binabansagan nila akong wirdo o kaya naman eh man-hater. ngayon pag tinatanong ako kung may bf na ako at sinabi kong wala pilit pa rin akong pinapakwento kahit wala naman talaga akong kwento. hehe! no pun intended. nagkakacrush din naman ako kaso sobrang minsan lang. di ko lam, basta ganito lang talaga ako.
masaya naman ako sa buhay single. pero may mga tao na parang hindi naniniwala na may mga singles na masaya. kung sabagay, iba ibang mindset yan. nasa personal definition din ng happiness yan. sa tingin ko maraming possible sources ang happiness, kasama dun ang love pero hindi lang yun.

may mga taong may time frame na sinusunod sa pakikipagrelasyon. kaso,ang pangit naman kung kaya lang naging kayo kasi kailangan ganitong age may bf ka na. o kaya naman kaya mo lang sinagot kasi feeling mo wala nang ibang dadating. yung iba nakiki-uso lang. siyempre pag lahat ng kakilala mo may gf/bf na, feeling mo napag-iiwanan ka na. kaya sige, hanap ng pwedeng makasama. pangit din yun. walang depth.

siguro masyado lang akong nagiging idealistic. medyo big deal kasi sakin ang mga relationships. ang mga bagay na ganyan, dapat sineseryoso kasi human emotions na ang usapan dito. sino ba namang may gusto ng lokohan sa mga ganitong usapan?

kung kailan dadating yung para sakin, di ko talaga masasabi yan. di ko nga rin lam kung gusto kong mag-pamilya in the future. parang ang aga pa kasi para pag-isipan ko ang mga bagay na iyan. kung sakaling maging single ako forever, pangarap ko lang na maging masaya ako sa makukuha kong trabaho.

hah! grabe, ang haba nito. hindi ko alam kung may magtiya-tiyagang magbasa nito. hehe! minsan lang naman ako magkwento tungkol sa mga ganitong bagay. hope i made sense. kung wala ayos lang din. wahaha!!


react ka naman | 02.21.05 | 05:17 p.m.

natapos rin ang dalawang linggo ng exams. haha! nadurog na utak ko pero nabuo ulit pagkatapos pumunta sa fair. hehe! onting gimik lang ayos na!! :)

fair

astig ng fair!!! wehehe!! daming indies na sa tingin ko eh mas ok kesa mga mainstream acts. ok lang naman mainstream kaso yung iba lang. di naman sa nagttypecast ako. pero sa mga indie ko nakikita ang totoong 'talent'. siguro nakakasawa na kasi yung mga kanta sa ngayon parang pare-pareho lang lahat ng tono. oi jeni, thanks sa pagsama. hehe! punta ulit tayo!!! di yan sapilitan ha! hehe! Aizo and Silent Sanctuary the best!!


react ka naman | 02.20.05 | 12:34 p.m.

hindi ako susuko
hindi ngayon, hindi kailanman...
hindi ako susuko
hindi ngayon hindi kailanman...

umpisahan na ang laban


react ka naman | 02.17.05 | 04:49 p.m.

boses

nakakainis...nakakainis, lagi na lang ganito. pagod na siguro ang utak ko kaya kahit gustuhin ko pang mag-isip ayaw nang gumana. onga, bente kwatro oras gumagana ang utak ko, pero hindi ako bente kwatro oras nagbibilang, at sumasagot ng mga letra at numerong ni hindi ko alam kung may praktikal na silbi. hah! siguro di pa ko nagseseryoso, hindi pa todo ang ginagawa ko, kailangan ko pa ng tiyaga, kailangan may paghugutan pa ako ng lakas dahil ayokong sumuko. hindi ngayon, hindi kailanman... kung may dapat sisihin ako yun at wala nang iba pa. yun ang totoo at hindi ito pagkaawa sa sarili o pagbubuhat ng bangko o pagmamagaling. naiinis ako pero kagagawan ko ito. hindi na pwedeng magpalusot. hindi na pwedeng tumakas. kababawan sa ibang tao pero hindi sakin. tiyaga, tiyaga at marami pang tiyaga. nakakatamad pag naiisip kong marami pa akong dadaanan. hindi ako magpapakaplastik. napapagod na rin ako at kapag inatake na ko ng katamaran, sira na ang diskarte. kailangan kong matutunang hawakan ang oras. yun lang at wala nang iba pa. disappointed ako.. obvious ba? pero tapos na. sisimangot ako ngayon hangga't gusto ko. bukas, hahanap ako ng tiyaga... kailangan ko pa nang marami


react ka naman | 02.16.05 | 08:50 p.m.

feign

sometimes it sucks that some people pretend that they don't see you at all. i meant that literally. they are those people who you thought you're friends with, yet when you see them somewhere in the vast space they just don't see you. they don't seem to care. now i understand why a simple smile or a nod or any gesture of recognition means so much. i used to think that not acknowledging someone's presence is trivial, nothing at all. now i find it a bit insulting. seems like you're total strangers to each other when in fact you're not. why do people like to tend to be so apathetic. well, this observation just proves that simple things in life indeed mean a lot.


react ka naman | 02.04.05 | 07:21 p.m.

stress is the culprit. he's a vampire that sucks the life out your scrawny body. he drives you to sluggishness and slowly sends you into a state of euphoria. or is it really euphoria?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
i'm currently in an empty mind state. there's so much to do yet little time to accomplish everything. i'm just taking time to waste time. (if that makes sense)


react ka naman | 01.27.05 | 10:12 a.m.

pucha, bakit ba lumalabas ang katangahan sa mga sitwasyon na dapat kang mag-isip. langya, nanghihinayang ako dun sa isang tanong. dapat tinuloy ko na lang yung pagsagot. sayang talaga... ngayon lang talaga ako nagsisipag mag-aral, inis naman kung babagsak ako dun. hay, bwisit...


react ka naman | 01.26.05 | 09:10 p.m.

nerdy
medyo maraming jargon ang entry na ito

ang astig naman ng Carnot engine! hehe! ngayon ko lang naintindihan ng mabuti kung bakit maraming nagrereklamo sa mataas na presyo ng gasolina. ilang percent lang kasi ng gasolina ang nagpapatakbo sa makina ang ibang percent, nagiging heat lang. kaya astig ang Carnot engine kasi kaya niyang makuha ang maximum energy na magpapatakbo sa isang sasakyan. project na rin pala ng mga interesadong makakuha ng Nobel prize ang gumawa ng "perpetual engine". isang makina na isang beses mo lang pipindutin ang on switch tapos gagana na siya forever. parang astig sa unang dinig pero ano naman kaya ang gagawin ko sa isang kotse na forever umaandar kung sakaling magawa nga nila yun? hay, marami talagang wirdo sa mundo na ito. amusing hehe!


react ka naman | 01.15.05 | 01:34 p.m.

yey!

there are reasons why i avoid going to a salon.

-i always get lice after a haircut
-moody and unfriendly hairstylists
-dread of donning a halloween look all year round
(distrust of hairstylist)
-costly rates (rarely worth it)

hmm... but due to emergency cases, i decided to forget these reasons for a while and see what happens. after all, i badly needed a low-maintenance hairstyle (other than a shaved head). i stepped into the salon and expected a moody, ill-tempered stylist with a lice-infested brush on one hand and a dysfunctional dryer on the other. unfortunately,a decent-looking (but still moody) gay welcomed me, whew, what a relief! i sat there for a while and after a few snip-snaps... i look the same! but with a new hairstyle of course which was shorter and easier to maintain. plus i don't feel any creepy crawlies residing on my scalp. so i guess, the trip to salon wasn't bad afterall. it would probably take time after my next visit. maybe by then i'll have my head shaved or maybe not. (shrugs)


react ka naman | 01.02.05 | 04:09 p.m.

happy new year!!!

***********************

just a thought: people can have their own opinion about who i am. i don't give a damn. i know who i am. i guess that's all that matters. you live your life i live mine. each person treads his/her chosen path towards a common destination. reaching that destination is fulfilling but what is more interesting and memorable is the journey itself. i only have one chance to experience one journey, CARPE DIEM!


react ka naman | 01.01.05 | 10:23 p.m.

1 2

-------